Linggo, Agosto 30, 2015

Paglalakbay Sa Nakaraan








Isang doktor, manunulat, at higit sa lahat isang bayani at martir. Siya ang bayani na nagmulat sa mga tao na lumaban para sa kalayaan. Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda o mas kilala bilang si Dr. Jose Rizal.  Ano nga ba ang pananaw ng isang mag-aaaral kay Rizal? Kung tatanungin mo ang mag-aaaral tulad ko isa siyang inspirasyon.

At dahil ngayon ay buwan ng pag-aalala sa mga ating mga bayani. Pinuntahan namin ang mga lugar na pinakaimportante na lugar sa buhay ni Dr. Jose Rizal.

Paco Cemetry


Ang Paco Cemetery o ang tinatawag ngayon na Paco Park ay ang lugar kung saan makikita ang puntod ni Rizal. Nakakatuwa ang lugar sapagkat may marami akong taong nakita na pumupunta doon bukod sa mga mag-aaral na tulad namin. May mga turista na ang iba nandoon para mamasyal at ang iba ay nandun para mag-jogging o mag-bisikleta. May mga pamilya na nandun para mamasyal. At may mga couples dun na nagkakanya-kanya ng pwesto na tago. (No offense sa nakita ko. Nagulat lang talaga ako.)

At syempre eto ma ang naabutan namin ng mga kasamahan ko.
Grioufie with Mam Bella


Luneta
Picture Source: www.flickr.com

Nakikilala nyo ba ang larawan na nasa taas? Ito ang Luneta o mas kilala bilang Rizal Park.Ito ay naging napakalaking bahagi ng ating kasaysayan bilang naging panimula ng paglaban ng mga Pilipino at ang pagbagsak ng pagkakatali ng Pilipinas sa Espanya.

Ang lugar na ito ay hanggang ngayon marami pa ring dumarayo. Mga pamilya estudyante at napakaraming mga dayuhan ang laging dumadayo dito.

Sa lugar na ito talagang pahirapan kumuha ng larawan sapagkat mahirap kumuha ng magandang pwesto sa dami ng tao at kung paano ka makakakuha ng tamang anggulo para matakpan ang napakalaking gusali sa likod ng bantayog. Pero di lang iyon ang pinalampas namin....

Pati ang mga bayani na nagbabantay sa bantayog nakasama pa namin.

Pambansang Museo


Bukod sa Luneta isa rin ang Pambansang Museo sa aming pinuntahan. Isa makikita dito ang iba't ibang bagay na mag kaugnay sa nakaraan ng bansa. At dahil sa bagong ayos lang ag gusali noong nagpunta kami ay libre lang ang mga pagpasok sa loob.



Fort Santiago
Ang Fort Santiago ay ang isang lugar na masasabi mong ang kasaysayan ay isa sa pinaka-kakaiba. Kung titignan mo kasi sa kasaysayan, dito binuno ni Rizal ang kanyang mga huling araw matapos siya barilin sa Luneta. Ngunit ito ang lugar na hitik sa alaala niya sapagkat dito mo makikita ang Rizal Shrine Museum kung saan mo makikita ang mga ang mga bagay-bagay na tungkol sa ating bayani. 
Marka ng Fort Santiago

Ang mga marka ng nilakaran ni Rizal.

Ang damit na ginagamit ni Rizal sa fencing.


Ang lugar na pinagkulungan ni Rizal.

Ang orihinal na libro na sulat kamay mismo ni Rizal.
Ang loob ng Silid Paglitis. Dito ipinakita ang sitwasyon ni 

Rizal noong hinatulan siya ng kamatayan.
 Ang samit kasuotan ni Rizal.




Mga pera na gamit noong panahon ni Rizal

Mga stamps na may mukha ni Rizal

Ang panulat, selyo at tarheta ni Rizal

Si Rizal na nagsusulat ng Mi Ultimo Adios





















































Ang Unibersidad ng Santo Tomas
Marka ng dating Unibersidad ng Santo Tomas
Ang dating Unibersidad ng Santo Tomas ay ang unang paaralan na pinuntahan ni Rizal para mapalawak ang kanyang kaalaman. Sa kasalukuyang panahon, ang lokasyon ng Unibersidad ay nilipat ng lugar dahil ang gusaling nakatayo dito ay nasira noong WWII. Dakakalungkot lang at di na siya kapansin-pansin sapagkat isa nang condominium ang nakatayo dito ngayon.

Ang Ateneo Municipal de Manila
Ang Ateneo Municipal de Manila paaralan na pinintahan ni Rizal para sa kanyang secondaryang pag-aaral. Sa kasalukuyan ang tanging marka na lamang na ito ang makikita mo na nagpapatunay na dito noon nakatayo ang gusali. Hindi rin siya kapansin-pansin dahil madalang nadadaanan ito. noong aming puntahan ito inabot kami ng ilang oras makita lamang ito. naligaw pa kami papunta doon. 


Ang Tahanan ni Higino Francisco

Ang lugar na ito ay kung saan unang inilagay ang katawan ni Dr. Jose Rizal, matapos itong hukayin mula sa sementeryo ng Paco, patungong Luneta. Nakakalungkot nga lang na ang marka ay wala doon sa mismong lugar na iyon sapagkat ang lugar na iyon ay giniba at tatayuan ng bagong gusali. at dahil doon pansamantalang tinanggal nila ang marker na nakalagay doon at ang natira laman ay ekis sa poste na nagtatanda na doon nakalagay noon ang marka.


Ang paglalakbay na ito ay naging makabuluhan dahil sa mga kasama ko na maliligalig. Pagod man ng matapos namin lahat, isang magandang karanasan na makita ko ang lahat ng lugar na ito na kasama sila.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento